Labor settlement sa isang manggagawa at isang employer, matagumpay na pinangasiwaan ng MOLE
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangasiwaan ng Ministry of Labor and Employment ang isang labor case sa pagitan ng isang manggagawa na labing anim na taon nagtrabaho sa isang general merchandise store.
Naayos ang kaso sa ilalim ng Single Entry Approach o SEnA, isang mekanismo ng MOLE sa pamamagitan ng Labor Case Management Program na layong magbigay ng mabilis, accessible, at makatarungang proseso para maresolba ang iba’t ibang labor concerns.
Sa pamamagitan ng SEnA, nagkasundo ang dalawang panig at naipagkaloob ang kabuuang ₱188,913 na retirement benefits bilang pagkilala sa mahigit isang dekadang serbisyo ng naturang empleyado.



Comments