Lahat ng college students sa Cotabato City, makakaasa ng financial subsidy sa susunod na taon, ayon kay Mayor Bruce Matabalao
- Diane Hora
- Nov 5
- 1 min read
iMINDSPH

Simula sa susunod na taon, maglalaan ang Cotabato City Government ng financial subsidy para sa lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa lungsod.
Ito ang masayang ibinahagi ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao sa kanyang State of the City Address nitong Martes.
Ayon sa alkalde, ang kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan, kaya’t mas palalakasin ng Lokal na Pamahalaan ang suporta upang matiyak na bawat estudyante—mapa-publiko man o pribado—ay makapagtatapos ng kanilang Bachelor’s Degree.
Naniniwala si Mayor Matabalao na ang pinakamatibay na pundasyon ng pangmatagalang kapayapaan at tuloy-tuloy na pag-unlad ay ang pagkakaroon ng mga edukadong mamamayan.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang alkalde sa mga presidente ng Higher Education Institutions sa lungsod dahil sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta sa Cotabato City Government.
Aniya, sila ang katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay ng pag-asa at magandang kinabukasan sa bawat Cotabateño.



Comments