Lalaki arestado sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004
- Teddy Borja
- 13 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki matapos nitong saktan ng pisikal ang kanyang live in partner sa barangay Nuro, Upi, Maguindanao del Norte.
Kulungan ang bagsak ng isang 32 anyos na lalaki matapos nitong saktan ng pisikal ang kanyang live in partner na 32 taong gulang sa nabanggit na lugar.
Ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay inihahanda laban sa suspek.
Nasa kustodiya na ng Upi MPS ang suspek para sa tamang dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.
Comentarios