Lalaki na kabilang sa listahan ng Top 10 Regional Most Wanted ng PNP PRO 12, naaresto sa Isulan, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Dec 5
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng Top 10 Regional Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong 3 counts ng lascivious conduct.
Ang suspek ay 33-anyos at kinilala sa alyas na “Umbra,” residente ng Mapantig, Isulan.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Miyerkules, December 3.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ng Regional Trial Court, Isulan, noong November 28, 2025, na may recommended bail na ₱200,000 bawat kaso.
Dinala ang suspek sa Sultan Kudarat District Jail para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.



Comments