Lalaki na kabilang sa Top 1 Regional Most Wanted Person ng PNP PRO 12, na nahaharap sa kasong 177 counts ng qualified theft, arestado sa Polomolok, South Cotabato
- Teddy Borja
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang Top 1 Regional Most Wanted Person dahil sa 177 counts ng Qualified Theft.
Ikinasa ang operasyon araw ng Sabado, November 29, sa Barangay Lumakil.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Kieth,” 39-anyos.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Polomolok noong October 30, 2025.
Inirekomenda ang piyansa sa kaso na nagkakahalaga ng ₱4,840,000.00.
Dinala na sa Polomolok Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang operasyon ay pinagsamang ikinasa ng mga tauhan ng Polomolok MPS, Provincial Intelligence Unit, 1st at 2nd South Cotabato PMFC, kasama ang RID 12 at RIU 12.



Comments