top of page

Lalaki na nakapasok at tumakbo sa runway ng Cotabato Airport, arestado ng PNP Aviation Security Group

  • Diane Hora
  • Aug 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) ang isang indibidwal matapos itong makapasok at tumakbo sa Runway 10 ng Cotabato Airport noong madaling araw ng Sabado, Agosto 23.


Dakong alas-6:10 ng umaga nang agad na rumesponde ang mga awtoridad matapos makita ang suspek na pumasok sa restricted area ng paliparan. Lumalabas sa imbestigasyon na umakyat umano ang lalaki sa perimeter fence na ayon pa sa report ay gustong sumakay sa papaalis na eroplano sa paliparan.


Sa paunang imbestigasyon, napansin ng mga pulis na kakaiba ang kilos ng suspek at hindi maayos ang tugon sa mga tanong. Narekober mula sa kanyang sling bag ang ilang ID, iba’t ibang ATM cards na nakapangalan sa iba’t ibang tao, at iba pang personal na gamit.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cotabato Airport Police Station ang suspek para sa mas malalim na imbestigasyon. Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa Philippine Air Force, lokal na pamahalaan, at pamilya ng suspek upang alamin ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at motibo nito.


Pinuri ni PNP AVSEGROUP Regional Director Police Brigadier General Jay Cumigad ang maagap na aksyon ng kanilang mga tauhan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page