top of page

Lalaki na Top 5 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa President Quirino, Sultan Kudarat

  • Teddy Borja
  • Aug 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang magsasaka na Top 5 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 matapos isilbi ng awtoridad ang warrants of arrest sa patong-patong na kaso.


Kinilala ang suspek sa alyas “Roming”, 46-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Tinaungan ng bayan.


Inaresto ito araw ng Linggo, August 10 sa bisa ng multiple Warrants of Arrest mula sa Regional Trial Court, Branch 20, Tacurong City, para sa mga kasong murder, carnapping with homecide at paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Matapos ang pag-aresto, dinala agad ang suspek sa President Quirino Municipal Police Station para sa documentation at tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page