Lalaki, nahulihan ng iligal na baril at iligal na droga sa isang checkpoint sa Palimbang, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Aug 12
- 1 min read
iMINDSPH

Isang lalaking sakay ng pick-up ang naharang sa checkpoint at nahulihan ng droga at iligal na baril.
Nahuli ang suspek na si alyas “Pepito”, 43 years old, araw ng Sabado, August 9 sa Barangay San Roque ng bayan.
Ang suspek ay residente ng General Santos City.
Sa inspeksyon, narekober mula sa sasakyan nito na pinigilan ng awtoridad ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 10 gramo at tinatayang halaga na ₱68,000.
Nakumpiska rin ng awtoridad ang isang kalibre .45 na baril na may buradong serial number, isang magazine, at limang bala. Wala umanong naipakitang kaukulang dokumento ang suspek para sa naturang baril.
Dinala sa Palimbang MPS ang suspek, mga ebidensya, at ang sasakyan para sa documentation at tamang disposisyon. Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito.



Comments