Lalaki sa Upi, Maguindanao del Norte na nahaharap sa kasong rape at kabilang sa listahan ng Top 7 Most Wanted ng Provincial Police Office, arestado
- Teddy Borja
- Aug 7
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki na nahaharap sa kasong rape at kabilang sa Top 7 Most Wanted ng Provincial Police Office ng Maguindanao del Norte
Nasakote ng mga awtoridad ang isa sa pinaka-pinaghahanap sa lalawigan sa isinagawang operasyon ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, araw ng Martes, Agosto 5, 2025 sa Barangay Rempes, Upi, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Mon”, nasa hustong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Nangi sa parehong bayan. Ayon sa ulat, natunton ang kinaroroonan ng suspek matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen ukol sa kanyang presensya sa Sitio Kabug-Kabug, Brgy. Rempes.
Agad na rumesponde ang mga operatiba at matagumpay na naipatupad ang warrant of arrest laban sa suspek para sa kasong rape in relation to Republic Act No. 7610 (Child Abuse).
Sa ngayon, nasa kustodiya na ito ng Upi Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.



Comments