top of page

Libreng birth registration, paiigtingin pa ng MSSD BARMM matapos matanggap ang 5 bagong mobile birth registration vehicles mula sa Japan Government sa pamamagitan ng UNHCR Philippines.

  • Diane Hora
  • Dec 8
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Limang bagong mobile birth registration vehicles mula sa Government of Japan ang pormal na tinanggap ng MSSD BARMM sa pamamagitan ng UNHCR Philippines araw ng Biyernes, December 5.


Ayon sa MSSD, ang mga sasakyan ay gagamitin upang suportahan ang Free Birth Registration Program na ipinatutupad sa lahat ng lalawigan ng BARMM.


Isa (1) sa mga sasakyan ay itatalaga sa Regional Office, habang ang apat (4) ay ilalagay sa provincial operations offices ng Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Special Geographic Area (SGA). Ito ay karagdagang suporta sa nauna nang dalawang mobile vehicles na na-turn over ngayong taon para sa Basilan at Tawi-Tawi.


Maaari din umanong mag-request ang mga munisipalidad sa loob ng BARMM upang magamit ang mga mobile units para sa kanilang outreach registrations.


Layon nito na mas mabilis na maabot ang mga batang matagal nang walang birth certificate—isang dokumentong mahalaga para sa edukasyon, social protection, health services, at iba pang benepisyo mula sa pamahalaan.


Dagdag ng MSSD na bukod sa mga sasakyang nakatalaga sa MSSD, mayroon ding hiwalay na mobile registration vehicles para sa Provincial Local Government Units (PLGUs) upang higit pang mapalawak ang birth registration services sa rehiyon.


Pinasalamatan ni MSSD Minister Atty. Raissa Jajurie ang Gobyerno ng Japan at UNHCR Philippines.


Dumalo sa turnover sina Deputy Minister Ustadza Nur-Ainee Tan Lim, Director General Atty. Mohammad Muktadir Estrella, Director II for Programs and Operations Hasim Guiamil, at iba pang regional at provincial key personnel. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Japan Embassy, UNHCR Philippines, UNICEF Philippines, PSA BARMM, DOJ–Refugees and Stateless Persons Protection Unit, BARMM SGA Administration, Maguindanao del Norte Provincial Government, pati na rin ang CFSI at CBCS.


Samantala, nagkaloob ang UNICEF Philippines ng tig-Php 50,000 seed grants at advocacy materials sa apat na Local Youth Development Offices (LYDOs) mula sa Pagayawan, Lumbatan, Lumbayanague, at Marogong, Lanao del Sur upang suportahan ang BRAVE youth advocates sa kanilang kampanya laban sa childhood statelessness.


Tiniyak ng MSSD na gagamitin ang mga mobile vehicles upang masigurong ang bawat batang Bangsamoro ay magkakaroon ng legal identity bilang bahagi ng kanilang karapatan. Ang inisyatibong ito ay itinuturing na malaking suporta sa Free Birth Registration activities ng Ministry, na isang regular na programa sa ilalim ng Child and Youth Welfare Program.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page