top of page

Libreng hospitalisasyon, pagpapatayo ng hotel at sports complex, pinalakas na serbisyong pangkalusugan at paglikha ng trabaho, ilan sa plataporma na inilatag ng Team Tampil Tanu sa grand rally

  • Diane Hora
  • May 6
  • 1 min read

iMINDSPH


Dagsa ang mga supporters ng Team Tampil Tanu sa isinagawang grand rally sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.



Inilatag naman ni Maguindanao del Norte gubernatorial candidate former TESDA Secretary Datu Suharto “Teng” Mangudadatu ang kanyang plataporma para sa lalawigan.



Binigyang diin naman ni vice gubernatorial candidate Bai Ainee Sinsuat ang kanyang 5-point governance agenda na kinabibilangan ng Pinalakas na Access sa Serbisyong Pangkalusugan para sa mga malalayong barangay, Pagpapalakas ng Kabataan at Kababaihan sa pamamagitan ng edukasyon at Paglikha ng Trabaho at Suporta sa Maliliit na Negosyo upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya.



Sinabi ni incumbent vice mayor at mayoral cadidate Adnan Biruar na mas pagagandahin niya ang bayan ng Parang kapag palarin sa halalan.



Sinabi naman ni vice mayoral candidate Mimbalawag “Barok” Mangutara na malayo pa ang mararating ng Parang sa ilalim ng kanilang pamumuno.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page