top of page

Libreng LET Review Program, inilunsad ng Maguindanao Del Sur Provincial Government para sa mga aspiring teachers ng probinsya

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagtipon ang mga aspiring teachers mula sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao del Sur sa Talayan Gymnasium noong ika-9 ng Nobyembre upang magsumite ng kanilang aplikasyon para sa Free Licensure Examination for Teachers (LET) Review Program na inilunsad ng provincial government.


Ang nasabing programa ay inisyatiba ni Governor Datu Ali Midtimbang, na layuning magbigay ng suporta at tulong sa mga future educators ng lalawigan bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na board examination.


Layunin nito na suportahan ang mga nagnanais na kumuha ng eksaminasyon at inaasahang makakatulong upang sila ay palaring pumasa sa LET.


Ayon sa mga kalahok, ang libreng LET review ay malaking tulong upang mas mapaghusayan nila ang kanilang paghahanda nang hindi na kailangang gumastos ng malaki.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page