top of page

Libreng sakay araw-araw handog ng MBHTE BARMM para sa mga mag aaral at guro sa Cotabato City

Updated: Mar 3

iMINDSPH



Sumakay ang newsteam sa bus ng MBHTE BARMM na may ruta mula sa Broce, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte patungong City Plaza.



Tinanong ng newsteam ang mga sakay ng bus sa Libreng Sakay na handog ng ministry.

Sa umaga, ang pick up point ay sa Broce partikular sa tapat ng Marian Hills ala 5:30 ng umaga hanggang 5:40 A.M.


Sampung minuto lamang ang itatagal ng bus sa pick up point at tig-limang minuto naman sa susunod na mga pick up points -


sa Kanto Bubong, People’s Palace, Sideout Badminton, Chinese Cerementary waiting shed, CCNHS-Main Campus, at Notre Dame Press.


Sa Cotabato City plaza naman ang magiging drop off time ng lahat ng mag-aaral na sakay ng bus ay may estimated time na 7:10 A. M. depende sa traffic situation.


Mula sa City Plaza, babalik naman ang bus patungo sa mga pick up points na nabanggit na may estimated time na 7:30 am at magtatapos sa Broce o tapat ng Marian Hills alas 8:50 ng umaga.


Sa lunch time naman, parehong ruta ang tatahakin ng bus pero magsisimula naman itong bibiyahe mula Broce alas 10:40 ng tanghali at inaasahang darating ng Cotabato City Plaza alas 12:25 ng tanghali.


Magiging pick up point naman sa tanghali ang Notre Dame Press ganap na alas 12:30 pabalik ng Broce na inaasahang makakarating sa lugar ala 1:50 ng hapon.


Aalis naman ito ng Broce sa ganap na alas 2:00 ng hapon patungong city plaza kung nasaan ang drop off point.


Pick up point parin sa hapon ang Notre Dame Press alas 3:30 pabalik ng Broce.





Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page