Libreng serbisyong pangkalusugan, hatid ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa mga residente ng Datu Unsay at Rajah Buayan
- Diane Hora
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Tuloy sa paghahatid ng libreng serbisyong pagkalusugan ang provincial government ng Maguindanao del Sur sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

Tinungo ng medical team ang Datu Unsay, a-18 ng Enero kung saan-
116 na adult residents at 59 na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre.

58 ang nakapagpabunot ng ngipin, pitumpo’t tatlo ang nakapagpatuli, 145 na residente ang nabigyan ng libreng salamin pambasa, 400 na residente ang nakatanggap ng tsinelas at limang daan ang benepisyaryo sa feeding program.

Parehong tulong din ang tinanggap ng mga residente ng Rajah Buayan.

Kasabay ng Datu Unsay, isinagawa rin ang libreng serbisyong pangkalusugan at outreach program sa Sapakan National High School, Rajah Buayan, a-18 ng Enero.

Inilalapit pa ng pamahalaang panlalawigan ang serbisyo sa mamamayan partikular sa mga liblib na lugar na hirap makapagpagamot.

Ang libreng serbisyong pangkalusugan ang isa sa mga flagship programs ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

コメント