Libu-libong Agrarian Reform Beneficiaries sa BARMM, tinanggap na ang kanilang CLOA
- Diane Hora
- Dec 10
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap na ng libu-libong Agrarian Reform Beneficiaries ng BARMM ang Certificate of Land Ownership Awards o CLOA.
Pinangunahan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at MAFAR Minister Abunawas “Von Alhaq” Maslamama ang distribusyon.
Sinabi ni Macacua na nararapat lamang na matanggap ito ng mga magsasaka bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa rehiyon.
Dagdag ng Interim Chief Minister, ang programang ito ay patunay ng pagsasabuhay ng moral governance at nagpapalakas sa mga bunga ng usaping pangkapayapaan.
Kasabay nito, inilunsad din ang ARB Identification Cards, isang hakbang upang matiyak na bawat benepisyaryo ay malinaw na natutukoy at nakakatanggap ng wastong suporta mula sa pamahalaan.
Tiniyak ng Bangsamoro Government na patuloy itong magsusumikap, katuwang ang MAFAR, Department of Agrarian Reform, at iba pang partners, para sa patuloy na pag-unlad at pagpapatatag ng mga komunidad sa BARMM.



Comments