“Ligtas Pamilya Training”, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa ng provincial government ng Maguindanao del Norte ang “Ligtas Pamilya” Community-Based Training on Family Disaster Risk Reduction and First Aid.
Isinagawa ito, araw ng Huwebes, December 18, 2025.
Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development ang aktibidad na dinaluhan ng mahigit 360 kalahok mula sa 12 bayan sa lalawigan.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga praktikal na hakbang sa pagtugon sa sakuna, kabilang ang tamang paglikas, family preparedness, at pagbibigay ng paunang lunas sa panahon ng emergency.
Bilang dagdag sa kaalaman, namahagi rin ng mga “Go Bag” na naglalaman ng mahahalagang kagamitang pangkaligtasan upang matiyak na handa ang bawat pamilya sa oras ng hindi inaasahang pangyayari.
Sa mensahe ni Governor Datu Tucao Mastura, na ipinarating ng kanyang kinatawan na si Mohammad Kasim, binigyang-diin na nagsisimula ang isang ligtas at matatag na lalawigan sa mga pamilyang may sapat na kaalaman at kahandaan sa sakuna.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte ang mga programang naglalayong palakasin ang disaster preparedness bilang bahagi ng direktang serbisyo sa mamamayan.



Comments