Lima ang patay matapos mauwi sa madugong engkwentro ang operasyon ng mga elemento ng Kabacan Municipal Police Station at PDEA, kasama ang iba pang operating units sa probinsya, sa pagsisilbi ng warran
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ala 5:00 kaninang umaga nang ikasa ng mga elemento ng Kabacan Municipal Police Station at PDEA 12 ang operasyon, kasunod ng pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isang dati umanong commander ng MILF at walong search warrants sa Lower Paatan, Kabacan, Cotabato Province.
Ito ang kumpirmasyon mula sa tagapagsalita ng Cotabato Provincial Police Office, si PLt. James Warren Ca-ang.
“Ito siya dating BIAF-MILF, ngayon ay kinokonsidera na namin siya bilang bahagi ng lawless and criminal group.”
Nauwi sa putukan ang operasyon, ayon kay PLt., na nagresulta sa pagkakasawi ng kumander na subject ng warrant of arrest at apat pang kasamahan nito.
“Nagresist sila ng arrest dahil armed sila.”
Ayon kay PLt., sangkot din umano sa mga shooting incidents sa lugar ang grupo.
Narekober naman ng awtoridad sa operasyon ang iba’t ibang uri ng baril at pampasabog. “Doon sa search warrant, walang nakuha na iligal na droga, pero sa mga nasawi may isang M14, dalawang caliber .45, isang shotgun, at isang grenade launcher.”


Comments