Limang panukalang batas, kabilang ang panukalang provincial drug treatment and rehabilitation centers, umusad na sa second reading ng BTA Parliament
- Diane Hora
- Dec 16
- 1 min read
iMINDSPH

Umusad sa ikalawang pagbasa ang limang panukalang batas sa Bangsamoro Parliament matapos ihain ang mga sponsorship speeches nina Member of Parliament Adzfar Usman, Ramon Piang Sr., Hashemi Dilangalen, at Butch Malang.
Saklaw ng mga panukala ang pagtatatag ng BARMM Badjao Development Project, paglikha ng mga provincial drug treatment and rehabilitation centers, at paglalaan ng permanenteng posisyon para sa Bangsamoro Board of Investments upang mapalakas ang pamumuhunan sa rehiyon.
Kasama rin sa mga panukalang umusad ang pagko-convert ng Upi Agricultural School bilang Bangsamoro Tribal University, na layong palawakin ang akses ng mga katutubo sa dekalidad at angkop na edukasyon, gayundin ang mga hakbang upang mapabuti ang akses sa ligtas na inuming tubig at maayos na sanitasyon sa mga komunidad.
Samantala, naghain din ang mga mambabatas ng dalawang bagong panukalang batas na naglalayong itatag ang Salamat Hashim Boarding Madrasah at ang Bangsamoro Bureau of Quarantine, bilang tugon sa pangangailangan sa edukasyon at kalusugang pampubliko sa Bangsamoro.



Comments