top of page

Listahan ng 10,512 guro na handang magsilbi sa 2025 NLEs, isinumite na ng MBHTE sa COMELEC

iMINDSPH


Opisyal nang isinumite ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa COMELEC, araw ng Biyernes, March 21, ang listahan ng 10,512 teachers na handang magsilbi sa May 2025 National at Local Elections.


Kumakatawan ang bilang na ito sa 53 percent ng total teaching workforce ng ministry na nagbibigay diin sa pangako ng BARMM educators sa pagsuporta sa democratic process sa kabila ng mga hamon.


Ayon sa MBHTE, bagamat gumawa na sila ng maagap na hakbang para mapadali ito kabilang na ang implementasyon ng MBHTE Administrative Support System para matiyak ang voluntary participation, hindi pa rin naging madali ang kanilang desisyon na magsilbi.


Ayon sa natanggap na report ng MBHTE, ang mababang bilang ng mga volunteers sa mga nakaraang halalan ay dahil sa usapin sa kanilang seguridad.


Ilan sa mga dahilan na tinukoy ng MBHTE sa pag alinlangan ng mga guro sa pagsisilbi ay ang kanilang mga natatanggap na pagbabanta at intimidation habang ginagampanan nila ang kanilang election duties.


Dagdag pa ng ministry, hindi rin matapos-tapos ang usapin sa kakulangan sa koordinasyon sa pagitan ng COMELEC election officers at authorized MBHTE officials na ayon sa tanggapan ay dumagdag pa sa pangamba ng mga guro sa kanilang security.


Nag-isyu din ng guidelines ang MBHTE para mapagaan ang mga concerns ng mga guro at mahikayat ang kanilang partisipasyon.


Kabilang dito ang direktang paghingi ng volunteers sa pamamagitan ng MBHTE Administrative Support System.


Ang pangalan ng mga guro na interestadong magsilbi sa darating na halalan sa Mayo, ayon sa MBHTE ay sinertipikahan ng school heads, verified ng MBHTE main office, at direktang inendorso sa Regional Director.


Ayon sa MBHTE mayroon ding kopya ang provincial, municipal, at city election officers. Ang mahigpit na prosesong ito ayon sa ministry ay pagtiyak sa confidentiality ng mga impormasyon ng mga guro at ng kanilang seguridad.


Binigyang diin din ng MBHTE na mahalaga ang hakbang na ito dahil na rin sa kakulangan ng pagsiguro mula sa COMELEC hinggil sa kaligtasan ng mga guro na magsisilbi sa halalan.


Ayon sa MBHTE, hindi lamang nila pinalalakas ang kanilang pangako na malaya, patas at transparent elections kundi pati na rin ang mahalagang papel ng mga educators sa pagpapanatili ng integridad ng electoral process.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page