top of page

Live Fire Exercise, isinagawa sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur bilang bahagi ng pagtatapos ng External Security Operations (ESO) Training ng 6th Field Artillery Battalion (6FAB)

  • Teddy Borja
  • Aug 18
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pagpapakita ng kahandaan ng artillery troops sa pagbibigay ng fire support sa mga maneuver unit ng 6th Infantry “Kampilan” Division ng Philippine Army sa aktuwal na operasyon ang layunin ng ikinasang Live Fire Exercise sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao del Sur sa pagtatapos ng External Security Operations o ESO Training ng 6th Field Artillery Battalion o 6FAB.


Sa pamamagitan ng live firing ng mga artillery weapons systems, ipinamalas ng 6FAB, ang kanilang bilis, at coordinated action na mahalaga sa pagpapanatili ng kalamangan sa labanan.


Nanguna sa LFX si 601st Brigade Commander Brigadier General Edcar Catu at 6FAB Commanding Officer, Lt. Col. Tara Cayton.


Pinuri naman ni 6th ID at Joint Task Force Central Commander Major General Donald Gumiran, ang ipinakitang galing ng mga artillerymen at binigyang-diin na mahalaga ang kanilang papel sa kabuuang operasyon ng dibisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page