Local Youth Dev’t Office ng Sultan Mastura, ginawaran ng National Youth Commission ng Certificate of Commendation dahil sa masigasig na pamamahala at kahusayan sa pagsunod sa mga alituntunin ng NYC
- Diane Hora
- Dec 4
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ginanap na seremonya sa Cotabato City, iginawad ng National Youth Commission ang Certificate of Commendation sa Sultan Mastura Local Youth Development Office dahil sa masigasig na pamamahala at kahusayan sa pagsunod sa mga alituntunin ng NYC.
Ang komendasyon ay bilang pagkilala sa kanilang kumpleto at maagap na pagsusumite ng lahat ng NYC Mandatory Compliance Documents para sa fiscal year 2025.
Mula sa labing-dalawang munisipyo ng Maguindanao del Norte, kasama ng Sultan Mastura na tumanggap ng kaparehong sertipiko ang LGU ng Upi at Datu Odin Sinsuat, na ayon sa lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura ay patunay ng pagsunod sa standards ng good governance at accountability para sa mga kabataan.
Ayon sa NYC, ang naturang pagkilala ay patunay ng dedikasyon ng tanggapan sa pagsusulong ng mga programa at proyekto para sa kabataan, gayundin sa pagpapatupad ng mga polisiya na nagtataguyod ng kaayusan, integridad, at mahusay na serbisyo publiko.



Comments