₱𝟮𝟬M, inilaan ng AMBaG para sa Dr. Serapio B. Montañer Al-Haj Memorial Hospital
- Diane Hora
- Dec 2
- 1 min read
iMINDSPH

Muling naglaan ng karagdagang ₱20 milyon na pondo ang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) para sa Dr. Serapio B. Montañer, Al-Haj, Memorial Hospital sa pangunguna ni Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan.
Malugod naman itong tinanggap ni Dr. Hanipha Madale-Montañer, MHcA, bilang patunay na magpapatuloy ang serbisyong medikal para sa mga pasyenteng walang kakayahang bayaran ang kanilang hospital bill.
Ang patuloy na suporta umano ng AMBaG ay hindi lamang tumutugon sa gastusin, kundi nagpapalakas ng pag-asa at nagbibigay-daan sa life-saving treatments para sa mga pamilyang umaasa sa pampublikong serbisyo.
Dagdag pa rito, ang ganitong tulong umano ay hindi lamang budget line kundi isang pangako na walang pasyente ang mapapabayaan at mananatiling libre ang serbisyo sa oras ng pangangailangan, alinsunod sa zero-balance billing na patuloy na ipinatutupad ng ospital.
Sa inisyatiba ni former BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, na ipinagpapatuloy ni Chief Minister Abdulraof Macacua, nananatiling nakatuon ang pamahalaan na pagbutihin ang sistema ng pangkalusugan at tiyaking may access ang bawat Bangsamoro sa dekalidad at makataong serbisyo.



Comments