top of page

Maayos at ligtas na naisagawa ang 87 aktibidad na may 55,975 na kalahok sa Trillion Peso March, at walang seryosong insidente na naitala, ayon sa PNP

  • Diane Hora
  • Dec 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Naging mapayapa ang pagsasagawa ng “Trillion Peso March” sa Metro Manila at iba't ibang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine National Police.


Iniuugnay ng PNP sa mahusay na koordinasyon ng mga organizer, marshal, kalahok, at mga yunit ng pulisya na nagtrabaho umano buong araw upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng isinagawang Trillion Peso March.


Nagpahayag ng pasasalamat si Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez, Jr., sa publiko dahil sa responsable at disiplinadong aniyang paglahok sa mga pagtitipon.


Naitala ng PNP ang 87 na aktibidad na namonitor sa buong bansa na may kabuuang 55,975 na kalahok, na lahat ay nagtapos aniya nang walang seryosong insidente at opisyal na natapos pagsapit ng 7:00 ngayong gabi.


Ipinapakita ng mga numerong ito, ayon sa PNP, ang lawak ng mga pagtitipon at ang sama-samang pagsisikap upang mapanatili itong ligtas at maayos.


Pinuri rin ni PLTGEN Nartatez ang mga ground commander, civil disturbance management teams, traffic units, at lahat ng police personnel na nagserbisyo mula pa sa preparasyon hanggang sa clearing operations.


Binigyang-diin ni PLTGEN Nartatez na muli na naman aniyang napatunayan na maaaring magsabay ang mapayapang pagtitipon at epektibong pagpapatupad ng batas, at kapag ang mga karapatan ay ginamit nang may pananagutan, lalong tumitibay aniya ang demokrasya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page