top of page

Mababang presyo ng domestic flights sa bansa, ipinapanawagan ni Senator Erwin Tulfo

  • Diane Hora
  • Dec 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nanawagan si Senator Erwin Tulfo sa Department of Tourism (DOT) na paigtingin pa ang ginagawa nito para mapababa ang presyo ng mga ticket sa mga domestic flight sa bansa, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Sinabi ng mambabatas sa report, ito ay para makasabay umano ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa natin sa Southeast Asia na nakakaranas ng pagtaas ng bilang ng mga international tourist.


Ginawa ng senador ang pahayag matapos lumabas ang datos na nasa hulihan na ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia pagdating sa international tourist arrivals.


Base sa datos mula January to August 2025 ng SEAsia.stats, nakapagtala ang Malaysia ng 28.24 million international tourist arrivals; sumunod ang Thailand na may 21.88 million; Vietnam na may 12.9 million; Singapore na may 11.6 million; Indonesia na may 10.04 million; at Pilipinas na may 3.96 million.


Giit ni Senator Erwin sa report, ang presyo ng flight tickets sa mga destinasyon sa Pilipinas ang pangunahing nagiging hadlang para palakasin ang lokal na turismo.


Ayon sa report ng Radyo Pilipinas, bukod sa pag-aalok ng mas murang presyo sa mga domestic destination, inirekomenda rin ng mambabatas ang paglikha ng direct flights sa iba’t ibang probinsya sa bansa at ang mas malawak na promotion ng mga tinaguriang underrated na lalawigan ng Pilipinas tulad ng Marinduque, at iba pa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page