top of page

Macacua: “Kung dati sandata natin ay tapang, ngayon sandata natin ay karunungan.”

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Hinimok ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang Bangsamoro youth na gamitin ang agham at inobasyon bilang sandata ng kapayapaan sa pagdiriwang ng 2025 Bangsamoro Science, Technology and Innovation Week.


Binigyang pugay ng opisyal ang mga scientist, innovator, at kabataang Bangsamoro na patuloy na nag-aambag sa pag-angat ng rehiyon sa larangan ng agham at teknolohiya.


Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Macacua ang makabuluhang pagbabago ng Bangsamoro mula sa panahong pinairal ng pakikibaka tungo sa panahon ng kaalaman at pag-unlad.


Ayon sa kanya, ang paglalakbay ng Bangsamoro mula sa conflict to creativity ay malinaw na larawan ng moral governance — isang pamumuno na ginagabayan ng pananampalataya, pinalalakas ng agham, at pinatatag ng inobasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page