top of page

MAFAR-BARMM, kalahok sa pagbubukas ng 5-Day Agraryo Trade Fair kung saan ibinida ang mga produktong tatak BARMM

  • Diane Hora
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Naimbitahan sa kauna-unahang pagkakataon ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao–Ministry of Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources (BARMM-MAFAR) sa taunang Agraryo Trade Fair ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Metro Manila.


Ayon kay DAR Undersecretary Amihilda Sangcopan, all-out support ito upang madala sa Metro Manila ang mga produktong BARMM at mas makilala sa buong bansa.


Tampok sa naturang trade fair ang mga kilalang kape at cacao products, pati iba’t ibang food at non-food products na gawa sa BARMM at mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, bilang bahagi ng pagpapatatag ng kabuhayan ng Agrarian Reform Beneficiaries.


Ngunit higit pa sa mga produktong ito, ang tunay na halaga ng trade fair ay ang mga koneksyong nabubuo sa networking ng Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBO) na maaaring magbukas ng oportunidad para sa mga mamimili at posibleng mamumuhunan.


Para kay Al-Jibriel Ladjahasan, Chief Agrarian Reform Program Officer ng Sulu, ang imbitasyon ay isang karangalang hinding-hindi nila makakalimutan. Dala nila ang kanilang mga produkto mula Sulu bilang patunay ng dedikasyon at pagmamahal sa kanilang kabuhayan.


Ang Agraryo Trade Fair 2025 ay bukas sa publiko hanggang Disyembre 5, 2025 sa Gateway Mall 2, Quezon City.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page