MAFAR, dinepensahan ang ₱2.15B proposed budget sa patuloy na deliberasyon ng Finance Committees, Bangsamoro Parliament
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Subcommittee B ng Finance, Budget, and Management Committee ng Bangsamoro Parliament, patuloy na inuusisa at hinihimay-himay ang proposed budget ng mga ministry, office, at agency ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kabilang ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform proposed ₱2.15B budget.
Binigyang-diin ng mga mambabatas na ang mga magsasaka at mangingisda ay kabilang sa pinakamahalagang sektor sa Bangsamoro, lalo pa’t malaking bahagi ng populasyon ang umaasa sa pagsasaka, pangingisda, at access sa lupa para sa kanilang kabuhayan.
Dahil dito, sentro ang mandato ng MAFAR sa pagtitiyak ng food security at pangmatagalang pag-unlad ng rehiyon.
Ayon sa impormasyon, malaki ang bahagi ng panukalang pondo na humigit-kumulang ₱462 million ang nakalaan para sa Basic Integration for Harmonized Intervention o BINHI program na naglalayong maghatid ng localized at komprehensibong support packages upang mapataas ang productivity ng mga magsasaka at mabawasan ang rural poverty.
Kabilang pa sa mga programang popondohan ng MAFAR ang food security and nutrition convergence, regulatory and quarantine services, fisheries adjudication, land tenure security, agribusiness and marketing support, at legal aid for farmers and fisherfolk.



Comments