iMINDSPH
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Magna Carta of Filipino Seafarers. Palalakasin ng Magna Carta ang proteksyon para sa mga seafarer laban sa pang-aabuso at diskriminasyon.
Itataguyod ang karapatan ng mga marino sa makatarungang sahod, ligtas na kondisyon sa trabaho, at patuloy na pagsasanay.
Palalakasin ang proteksyon para sa mga seafarer laban sa pang-aabuso at diskriminasyon, at titiyakin na handa ang mga ito at mamamayagpag sa kabila ng mga pagbabago sa global maritime industry.
Ito ang nilalaman ng nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Magna Carta of Filipino Seafarers, araw ng Lunes, 23 ng Setyembre 2024.
Comments