top of page

Magsasaka at vendor, sugatan sa insidente ng pamamaril sa Libutan, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sugatan ang isang babaeng vendor na nagdadalantao matapos tamaan ng bala nang barilin ng hindi pa kilalang salarin ang isang magsasaka sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.


Kinilala ang magsasaka na sina Sahid Nars Kabuat, residente ng Sitio Musa, Brgy. East Libutan, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.


Tinamaan ng bala ang bystander at coffee vendor na nagdadalantao na si Saima Elian Omar, residente ng Barangay Pusao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.


Natagpuan sa crime scene ang isang fired cartridge case na pinaniniwalaang mula sa caliber 45.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page