Magsasaka na kabilang sa Top 1 Most Wanted ng Davao del Norte Provincial Police Office, arestado sa bayan ng San Isidro
- Teddy Borja
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang magsasaka na kabilang sa listahan ng Top 1 Most Wanted sa isinagawang Manhunt Charlie Operation.
Isinagawa ang operasyon alas 12:15 ng hapon, araw ng Lunes, December 1, sa Purok 5, Barangay Kipalili, San Isidro, Davao del Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Man.”
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jimmy Bustillo Boco ng Family Court, 11th Judicial Region, Branch 2, Tagum City.
Ang warrant, na may petsang October 7, 2025, ay kaugnay ng Criminal Case Nos. 33925-11-2025 at 33926-11-2025 para sa Violation of Section 10(A), Article VI of RA 7610, na may recommended bail na Php 160,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Isidro MPS ang naarestong indibidwal para sa tamang documentation at disposition.



Comments