Magsasaka na suspek sa pagpatay sa isang kapitan ng Lambayong, Sultan Kudarat, arestado sa Mamasapano, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Nov 13
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Mamasapano, Maguindanao del Sur, arestado ang isang magsasaka na suspek sa pagpatay sa isang kapitan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Ikinasa ang operasyon alas 2:49 ng umaga, sa Barangay Tuka, Mamasapano, araw ng Martes, November 11.
Ang suspek, 26-anyos, isang magsasaka at residente ng Sitio Delem.
Kabilang sa Top 9 Regional Level Most Wanted at Top 1 Provincial at Municipal Level Most Wanted Persons.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 24-8484-LA, na inisyu ng RTC Branch 20, Tacurong City, noong Agosto 16, 2024.
Batay sa imbestigasyon, kabilang ang akusado sa mga suspek sa pamamaril na ikinasawi ni Esmakil Sambilan Palaguyan, Kapitan ng Barangay Lagao, Lambayong, Sultan Kudarat.
Ang insidente ay naganap noong Oktubre 18, 2025, dakong 3:30 PM, sa tapat ng Evangelista Medical Clinic and Hospital sa National Highway, Purok Inanama, Barangay Poblacion, Lambayong.



Comments