Magsasaka, patay habang misis nito, sugatan matapos pagbabarilin habang sakay ng multicab sa Romangaob, South Upi, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang isang magsasaka at sugatan naman ang misis nito matapos pagbabarilin habang sakay ng kanilang multicab.
Naganap ang pamamaril sa Sitio Lumbos, Barangay Romongaob, South Upi, Maguindanao Del Sur, alas 3:40 ng hapon, araw ng Biyernes, July 25.
Kinilala ang mga biktima na si Nicasio Mindo at Jennelyn Mindo, residente ng Sitio Saramuray, Barangay Pilar, South Upi.
Nagpapagaling na sa pagamutan ang misis ng magsasaka na nagtamo ng tama ng bala sa braso.
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, namalengke lamang ang mga biktima sa lugar nang pinangyarihan ng krimen at pauwi na sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem suspect.
Limang basyo ng bala ang natagpuan ng awtoridad sa crime scene.
Blanko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.
Comments