Magsasaka, patay matapos barilin sa Pagalungan, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- May 7
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Mastura Inal, residente ng Sitio Kadingilan, Barangay Dungguan, Datu Montawal, Maguindanao del Sur.

Naganap ang pamamaril alas 12:45 ng hapon, a-6 ng Mayo sa National Highway ng Barangay Layog, Pagalungan, Maguindanao del Sur.

Nagtamo ng gunshot wounds sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang suspek na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Ayon sa otoridad, sakay din ng motorsiklo ang suspek na agad tumakas matapos isagawa ang krimen.
Natagpuan ng otoridad sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa di matukoy na kalibre ng baril na dinala na sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek.
Comments