top of page

Magsasaka sa Esperanza, Sultan Kudarat, arestado sa kasong 2 counts ng Acts of Lasciviousness; Suspek, kabilang sa Top 9 Most Wanted ng Region XII

  • Teddy Borja
  • Aug 22
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang magsasaka dahil sa kasong 2 counts ng Acts of Lasciviousness. Ang suspek ay kabilang rin sa listahan ng Top 9 Most Wanted ng Region XII.


Imbes na sa sakahan, himas rehas si alyas “Juny”, 46-anyos matapos arestuhin ng awtoridad alas 4:50 ng hapon, araw ng Miyerkules, August 20.


Ito’y matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 19, 12th Judicial Region, Isulan, Sultan Kudarat.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Matapos ang pagkakaaresto, agad na dinala ang suspek sa Esperanza MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page