iMINDSPH

Patay ang 37 anyos na magsasaka na si Aladon Abpa, residente ng Purok Magoncia, Barangay Marbel, Matalam, Cotabato matapos umanong manlaban sa otoridad habang nagsasagawa ng pursuit operation.

Suspek ang magsasaka sa isang shooting incident sa bayan na naganap, 10:30 ng gabi noong February 27, 2025 kung saan biktima ang isang Garry Santillan, ayon sa report ng otoridad.
Ayon sa Matalam Municipal Police, pinaputukan sila ng suspek kaya gumanti sila ng putok. Tinamaan ang suspek at agad dinala sa pagamutan pero dineklara itong dead on arrival ayon sa attending physician.
Narekober ng SOCO Team ang isang Norinco Caliber .45, magazine, dalawang fired cartridge cases ng Cal .45, tatlong fired cartridge cases ng Caliber 9mm at isang fired bullet ng Caliber 9mm.
Narekober din ng otoridad sa bulsa ng suspek ang apat na medium size heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu ng magsagawa ng follow up investigation ang otoridad.
Komentáře