iMINDSPH

Napasakamay ng otoridad ang isang magsasaka sa Parang, Maguindanao del Norte na kabilang sa Top 4 Most Wanted Municipal Level at Top 5 Most Wanted Provincial level dahil sa kasong attempted murder at frustrated murder.
Huli si alyas “Oka” isang, magsasaka na residente ng Barangay Pinantao, Parang, Maguindanao del Norte matapos isilbi ng otoridad ang Warrants of Arrest laban dito, ala 5:20 ng hapon, araw ng Martes, February 18.
Ang Warrants of Arrest ay kaugnay sa kinaharap nitong kaso na attempted murder at frustrated murder.
Kabilang din ang suspek sa Top 4 Most Wanted Municipal Level at Top 5 Most Wanted Provincial Level.
320, 000 pesos ang inirekomendang piyansa ng korte sa dalawang kaso nito.
Nasa Parang Municipal Police Station na ang suspek para sa booking procedures.
Comentários