top of page

Maguindanao del Norte at Cotabato City Cong. Bai Dimple Mastura at Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura, pinangunahan ang Musabaqah sa bayan ng Sultan Kudarat

  • Diane Hora
  • Nov 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang pagpupugay sa katatagan at pananampalataya sa relihiyong Islam, matagumpay na naisagawa ang Musabaqah 2025 sa bayan ng Sultan Kudarat na pinangunahan ni Mayor Datu Shameem Mastura at Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura.


Isinagawa ito sa municipal gymnasium ng Sultan Kudarat.


Dumalo sa Musabaqah ang mga miyembro ng Social Welfare Committee, kababaihan ng Moro Islamic Liberation Front, at mga Ummahat mula sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao del Norte.


Ang Musabaqah ay naging pagkakataon upang ipamalas ang husay sa pagbasa, pagbigkas, at pagmememorya ng Qur’an, habang pinagtitibay ang pagkakaisa at pagpapahalaga sa pananampalataya sa relihiyong Islam.


Patuloy na itinataguyod ni Cong. Mastura ang mga programa para sa kababaihan, pamilya, at komunidad, para sa isang mas matatag, mas maunlad, at mas makabuluhang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page