Maguindanao del Norte Provincial Government, nakiisa sa paggunita ng International Day of Persons with Disabilities
- Diane Hora
- Dec 4
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng administrasyon ni Maguindanao del Norte Provincial Governor Datu Tucao Mastura, nakikiisa ang lalawigan sa paggunita ng International Day of Persons with Disabilities.
Sa temang “Fostering Disability Inclusive Societies for Advancing Social Progress,” muling pinagtitibay ng lalawigan ang pangako na itaguyod ang isang komunidad na nagbibigay-halaga, pag-unawa, at oportunidad para sa lahat.
Ito ay paalala rin umano na ang tunay na pag-unlad ay nakabatay sa pagkakapantay-pantay—kung saan bawat indibidwal, anuman ang kakayahan, ay may puwang na maging bahagi ng pagbabago.



Comments