Maguindanao del Norte Provincial Meet, kasado na bukas sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Dec 8
- 1 min read
iMINDSPH

Muling magtatagisan ng galing sa sports ang mga mag-aaral mula sa Labindalawang bayan sa Maguindanao del Norte sa ikatlong Provincial Meet na magsisimula na bukas sa bayan ng Parang.
Matapos ang ginanap na coordination meeting, araw ng Sabado, December 6, aktibo na ang Emergency Operations Center at Incident Command System para sa gagawing palaro.
Pinangunahan ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang Marine Battalion Landing Team-2, MDRRMO Parang, BFP Fire Station Parang, MPS Parang, RHU Parang, PGO Health Division, SDS–MDN at Barangay Poblacion I.
Mangunguna sa pagbubukas ng palaro si Governor Datu Tucao Mastura.



Comments