top of page

Maguindanao del Norte Provincial Police Director PCol. Eleuterio Ricardo Jr, binista at ininspeksyon ang dineploy na Special Security Task Group sa Ligawasan at Tugunan, SGA

iMINDSPH


Nais matiyak ni PCol. Ricardo sa pagbisita nito at inspeksyon sa mga SSTG ang operational readiness, security posture, at welfare ng kanilang personnel sa mga nabanggit na lugar.



Nagkaroon din ng briefing hinggil sa current security situation, mission objectives, at logistical needs ng team.



Binigyang diin ng opisyal sa kanyang mga tauhan ang kahalagahan ng proactive security measures sa pagpapanatili ng kapayapaan at istabilidad lalo na sa papalapit na National at Local Elections.



Sa pagbisita naman nito sa Tugunan, nagsagawa ito ng assessment sa security posture ng kanyang mga tauhan sa lugar kasunod ng nangyaring gulo sa pagitan ng ilang grupo kamakailan.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page