top of page

Maguindanao del Norte with Cotabato City Rep. Bai Dimple Mastura at DSWD Secretary Sherwin Gatchalian, tinalakay sa pulong ang mabilis na paghatid ng mga programa at proyekto ng gobyerno sa bawat pami

  • Diane Hora
  • Aug 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ayon kay Cong. Mastura, pangunahing layunin ng kaniyang pakikipagpulong ay ang tiyakin na ang mga programa ng gobyerno ay mas mabilis na naihahatid at mas ramdam ng bawat pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga komunidad na madalas hirap sa akses sa serbisyong panlipunan.


Binigyang-diin ni Cong. Mastura na ang tunay na liderato ay hindi lamang nakikita sa mga pananalita kundi sa konkretong resulta at programang may malasakit.


Aniya, ang kanyang mandato ay ang patuloy na pagdadala ng mga oportunidad na magpapagaan sa buhay ng kanyang mga kababayan sa distrito.


Samantala, tiniyak ni Sec. Gatchalian na mananatiling katuwang ng Kongresista ang DSWD sa pagpapatupad ng mga proyekto at inisyatiba na magpapalakas sa social protection programs sa Bangsamoro areas at mga karatig-lugar.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page