top of page

Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura, tinanggap ang parangal mula sa liderato ng kamara sa pagsasakatuparan ng legislative agenda ng ika-19 na Kongreso

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinanggap ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura ang parangal mula sa liderato ng kamara bilang pagpupugay sa kanyang kontribusyon sa pagsasakatuparan ng legislative agenda ng 19th congress.



Naka-sentro sa inklusibo at sustenableng pag-unlad, makatao at makatarungang pamayanan at produktibong pamumuhay para sa bawat Pilipino ang layon ng pamamalakad ng kasalukuyang Kongreso.



Ayon sa kongresista, prayoridad niya ang kapakanan ng mga ka-distrito.


Lakas at inspirasyon niya aniya ang araw-araw na laban ng mamamayan ng Maguindanao del Norte upang magsumikap at gampanan ang kanyang tungkulin sa Kongreso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page