Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang at PNP PRO BAR Regional Director Jaysen De Guzman, nagpulong at tinalakay ang pagtutulungan ng provincial government at hanay ng pulisya sa usapin ng p
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpulong si Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang at PNP PRO BAR Regional Director Jaysen De Guzman at tinalakay ang pagtutulungan ng provincial government at hanay ng pulisya sa usapin ng peace and order.
Ang pagpapaigting ng ugnayan at pagtutulungan sa usapin ng peace and order ang pangunahing paksa sa pulong sa pagitan nina Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang at PNP PRO BAR Regional Director Jaysen De Guzman.
Bumisita ang heneral sa gobernador, araw ng Miyerkules, July 30 sa tanggapan ni Governor Midtimbang sa bayan ng Talayan.
Ayon sa PRO BAR, malaki ang papel na ginagampanan ng LGU sa pagpapalalakas ng crime prevention strategies, case resolution, at pagtiyak sa safety at security ng komunidad.
Comments