top of page

Maguindanao del Sur PLGU, lumahok sa Value Chain Analysis–Commodity Investment Plan Workshop ng DA upang palakasin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang mas maging epektibo ang pagtukoy at pag-prayoridad ng mga pamumuhunang pang-agrikultura at pangisdaan sa lalawigan, lumahok ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa ginanap na Value Chain Analysis–Commodity Investment Plan Assessment Workshop noong ika-5 hanggang ika-7 ng Nobyembre sa Davao City.


Ang aktibidad ay inorganisa ng Department of Agriculture–Philippine Rural Development Project (DA–PRDP), na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga provincial implementing units sa pagbuo, pagsusuri, at paggamit ng Value Chain Analysis–Commodity Investment Plan bilang gabay sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.


Dagdag pa sa layunin ng aktibidad ang pagpapalakas ng koordinasyon sa ilalim ng PRDP Scale-Up’s Transformative Agriculture Agenda.


Sa naturang workshop, aktibong lumahok ang PLGU–Maguindanao del Sur team sa komprehensibong pagsusuri at pag-update ng mga umiiral na Commodity Investment Plans ng lalawigan upang matiyak na ito ay nakaayon sa kasalukuyang market trends at regional development priorities.


Tinalakay din sa sesyon ang Regional Agri-Fishery Investment Portfolio approach, na naglalayong paigtingin ang regionalized planning at investment prioritization batay sa resulta ng VCA–CIP leveraging analysis.


Sa re-orientation session ng PPMIU, ipinakilala ang mga bagong operational guidelines at implementation mechanisms sa ilalim ng PRDP Scale-Up, kung saan muling pinagtibay ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang kanilang pangako na isama ang mga bagong proseso sa kanilang local planning system upang mapaigting ang project preparation, implementation, at monitoring.


Ayon kay Deputy Project Director Carlene Collado, mahalaga ang pagkakaisa ng lokal at pambansang pagpaplano upang makamit ang transformative rural development sa pamamagitan ng shared learning at collective action.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page