iMINDSPH
Tinanggap muli ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang Gawad KALASAG award.
Fully Compliant ang probinsya sa nasabing parangal. Sa magkakasunod na apat na taon, tinanggap ng lalawigan ang parangal dahil sa patuloy na pagtataguyod ng disaster preparedness, resilience, at humanitarian efforts.
Ang parangal ay para aniya sa lahat kung saan ang lakas at determinasyon ay patuloy na nagbibigay inspirasyon.
Ang Gawad KALASAG ay isa sa mga parangal na iginagawad at inorganisa ng Office of the Civil Defense-National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga LGU sa buong bansa.
Comments