Maguindanao del Sur Provincial Government, ipinagmamalaki ang pananatili bilang ISO Certified
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Sa patuloy na serbisyong may husay at integridad, ipinagmamalaki ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang patuloy na pagpapanatili ng International Organization for Standardization o ISO-certified.
Napananatili ng probinsya ang ISO 9001:2015 Certification na katibayan ng dedikasyon sa dekalidad na pamamahala, efficient public service, at patuloy na nagsisikap para sa pag-unlad ng mga komunidad sa lalawigan.
Nangako naman ang provincial government na patuloy na itataas ang antas ng pagseserbisyo.



Comments