top of page

Maguindanao del Sur Provincial Government, nagpaabot ng tulong sa mga binahang residente ng Rajah Buayan

  • Diane Hora
  • Dec 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa direktiba ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, namahagi ng food packs ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa bayan ng Rajah Buayan.


Layunin ng aktibidad na maiparating ang agarang tulong at suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng tubig.


Naisakatuparan ang pamamahagi sa pakikipagtulungan ng BARMM READi, MDRRMO, at lokal na pamahalaan ng Rajah Buayan sa pangunguna ni Mayor Bai Maruja Mastura.


Sa sama-samang pagkilos ng mga tanggapan, mas mabilis at mas maayos na naipamahagi ang kinakailangang ayuda sa mga residente.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page