top of page

Maguindanao del Sur Provincial Government, nagsagawa ng Aftercare Monitoring Activity sa mga indibidwal na dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot

  • Diane Hora
  • Nov 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa paggunita ng Drug Abuse Prevention and Control Week, isang "aftercare" monitoring activity for Persons Who Used Drugs ang isinagawa ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur na naglalayong malaman ang estado ng mga dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at kung paano pa makakatulong ang probinsya katuwang ang LGU para sa rehabilitasyon ng mga ito.


Noong November 19, isinagawa ito sa bayan ng Datu Piang kung saan nagkaroon ng mga group session para sa mga PWUDs at binigyan sila ng pagkakataon na magkwento ng kanilang karanasan at nabigyan din sila ng maayos na paggabay.


Kabilang din sa session ang monitoring ng kanilang rehabilitation progress, psychological counseling at pinaaalalahan sa mga serbisyo tulad ng livelihood programs, health interventions, at community reintegration initiatives na pwedeng ibigay sa kanila.


Binigyang-diin din ng mga facilitator ang kahalagahan ng suporta ng komunidad, pamilya, at personal commitment para sa pangmatagalang recovery.


Kinilala naman ng LGU at Provincial Government ang dedikasyon ng mga PWUD at ng kanilang mga pamilya sa tuluy-tuloy na rehabilitasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page