Maguindanao del Sur Provincial Government, nakibahagi sa Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council sa bayan ng Paglat
- Diane Hora
- Dec 4
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pamamagitan ng Planning and Development Coordinator ng Maguindanao del Sur, nakibahagi ang probinsya sa ginanap na joint Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council meeting sa bayan ng Paglat.
Dito binigyang-diin ang kahalagahan ng kolaborasyon ng mga peace and community initiatives sa pagitan ng probinsya at LGU kung saan ang patuloy na partnership ay susi sa pagpapatupad ng mga programa na sumusuporta sa isang stable at resilient communities.
Isa sa halimbawang inisyatiba ang “Pangus Kalilintad” program, na naglalayong ipalaganap ang kapayapaan at social cohesion hanggang sa grassroots level sa pamamagitan ng livelihood support sa mga widows of war at mga asawa ng dating rebelde.
Nagbibigay din ang probinsya ng livelihood assistance sa mga Persons Who Use Drugs o PWUDs o datung lulong sa droga sa bayan ng Paglat sa pamamagitan ng TESDA-facilitated skills training, na tumutulong sa mga benepisyaryo sa kanilang reintegrasyon sa komunidad.
Binigyang-diin din ang joint implementation ng Community Advocacy Campaigns na nakatuon sa Preventing and Countering Violent Extremism, Fire Safety, Safe Driving, at Anti-Illegal Drugs campaign.
Ang mga ito, ayon sa probinsya, ay proactive measures na nagpapalakas sa kamalayan ng publiko at mas mapapalakas ang komunidad na makibahagi sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa bayan.



Comments