Maguindanao del Sur Vice Governor at UBJP–Provincial Chief Exec. Officer Ustadz Hisham Nando, naglabas ng official statement kaugnay sa pamamaril kay MBHTE DG for Madaris Prof. Taher Nalg
- Diane Hora
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi katanggap-tanggap ayon sa Office of the Vice Governor at Provincial Chief Executive Officer ng United Bangsamoro Justice Party–Maguindanao del Sur Ustadz Hisham Nando ang pamamaril kay Director General for Madaris Education Prof. Taher Nalg ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education.
Ayon sa pahayag, ang insidente ay hindi lamang pag-atake sa isang tapat at dedikadong lingkod-bayan, kundi pati na rin sa edukasyon ng kabataan at sa kapayapaan at pag-unlad ng komunidad sa Bangsamoro.
Nanawagan ang opisina sa mga otoridad na agad aksyunan at tiyaking managot ang mga salarin, dahil sa Islam, ang pagpaslang sa inosenteng tao ay isang mabigat na kasalanan at ang pananagutan ay tungkulin ng komunidad at pamahalaan.
Inihayag din ng opisina ang kanilang buong pakikiisa kay Prof. Nalg, sa kanyang pamilya, at sa buong MBHTE community.
Panalangin ng bise gobernador at ng tanggapan nito ang agarang paggaling at proteksyon para sa opisyal.



Comments